Dear Voter, … from a first time voter.

Excited na ako sa darating na ika-siyam ng Mayo ng taong ito!
First time ko kasing boboto!

Sabi nila, naging makulay ang talakayan ng bawat partido.
Sabi nila, mas may sense ang sinasabi ng bawat kandidato.
Siguro nga, dahil kitang kita ko mga opinyon ng bawat Pilipino.

“Challenging” ika nga nila, ang pumili at maghalal ng bagong set ng taong mamumuno sa mahal nating bansa.
Challenging kasi ang daming magagaling– magsalita, sana meron din sa gawa.
Sana bawat pangako hindi bibitawan ng bibig nila ng walang laban.

Anim na taon ang nakalipas mula nung nagamit mong malaya ang karapatan mo bilang Pilipino.
Marami akong kakilala na binabalewala ito, kesyo daw
“Sayang din naman boto ko”
“Kayo nalang ang bumoto”
“Di din naman magbabago ang mga Pilipino”
“Wala naman din mangyayari sa Pilipinas”

It is not about what is going to happen with your vote, it is about practicing your right and responsibility as a Filipino.

Kung di mo gagawing bumoto, bakit ka pa andito? Di mo siguro alam na ang pagboto ay isa sa mga pinakamagandang karapatan bilang mamamayan.
Pantay kasi ang pagtingin at mga kalahok dito, walang mayaman walang mahirap, basta Pilipino.

Para sa mga boboto ngayong Mayo,
Sana ay piliin mo yung tingin mong tama para sa posisyon,
marangal,
may dignidad,
may puso,
lider,
makatao,
makabayan,
at higit sa lahat…
May takot sa Diyos.

Marami ako natutunan sa topic namin sa aming simbahan,
Ang lider daw ay marunong magsakripisyo ng sarili, hindi bulag sa kapangyarihan, hindi nagpapaanod sa temptasyon, ginagamit ang talino sa tama, at ipinapasa ng maayos at marangal ang posisyon sa susunod na henerasyon.

Yung lider na hindi lang kasalukuyan ang tinitignan at ginagawan ng solusyon pero maging yung para sa iyo, sa anak mo, at sa anak ng magiging anak mo.

Yung lider na may takot sa Diyos, yung susunod Sakanya, yung mahal ang Diyos at pinapahalagahan pa.

Pinagdadasal ko na maging malinis itong eleksyon, na pipiliin natin yung tamang tao, na di tayo magpapadala sa sinasabi ng iba, na i-trust natin si Lord kung sino man ang i-appoint niya, na maging safe ang mga taong involved, na maging mapayapa ito habang at pagkatapos ng eleksyon.

Gusto ko makita ang pagbabago.
Pero alam ko na makikita ko lang to sa bansa ko, kung magsisimula ako sa sarili ko.

From an excited first time voter,
Michaella 💛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s